PNP Chief Gamboa, iba pang sakay ng bumagsak na chopper ligtas lahat ayon sa PNP

(UPDATE) Ligtas ang lahat ng sakay ng bumagsak na helicopter ng Philippine National Police (PNP) sa san Pedro, Laguna kabilang si PNP Chief Gen. Archie Gamboa.

Sa opisyal na pahayag ng PNP, maliban kay Gamboa, ligtas lahat ang anim iba pang sakay ng chopper na pawang dinala sa ospital.

Sinabi sa pahayag na pawang minor injuries ang natamo ng pitong sakay ng chopper.

Una nang naiulat na maliban kay Gamboa ay sakay din ng chopper sina PNP Spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac, Comptrollership chief Major General Jovic Ramos, Major General Mariel Magaway na pinuno ng Directorate for Intelligence ng PNP, ang piloto at ang co-pilot.

Ayon kay PNP Deputy Chief for Operations Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar, mula sa emergency room ng Westlake Medical Center sa San Pedro, Laguna kung saan dinala si Gamboa ay inilipat na ito sa ospital sa Taguig.

Read more...