2.6 percent na inflation rate naitala para sa buwan ng Pebrero
By Dona Dominguez-Cargullo March 05, 2020 - 09:34 AM
Nakapagtala ng 2.6 percent na inflation rate sa bansa noong nakalipas na buwan ng Pebrero.
Bahagyang bumagal ang inflation o ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo kumpara noong nakaraang buwan ng Enero kung saan 2.8 percent ang naitalang inflation rate.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) nakapag-ambag sa pagbaba ng inflation ang bumabang presyo sa housing, tubig, kuryente at produktong petrolyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.