28 volcanic earthquake naitala sa Bulkang Taal sa nakalipas na magdamag

By Dona Dominguez-Cargullo March 05, 2020 - 08:10 AM

Nakapagtala ng 28 volcanic earthquake sa Bulkang Taal sa nakalipas na magdamag.

Ayon sa 8AM Taal Volcano Bulletin ng Phivolcs, pawang mahihina lamang naman ang naitalang pagyanig at hindi naramdaman ng mga residente.

Mayroon ding naitalang mahinang pagbubuga ng steam-laden plumes mula sa crater ng bulkan na ang taas ay 50 hanggang 100 meters.

Ayon sa Phivolcs, nakataas pa rin ang Alert Level 2 sa Taal Volcano na nangangahulugang maari pa ring magkaroon ng phreatic explosions, volcanic earthquakes, ashfall at lethal accumulations o pagbubuga ng volcanic gas.

Bawal pa ring pasukin ang Taal Volcano Island na itinuturing na Permanent Danger Zone.

Pinayuhan ng Phivolcs ang mga lokal na pamahalaan na maging handa pa rin sakaling muling mag-alburuto ang bulkan.

TAGS: Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, taal, Taal Volcano, Tagalog breaking news, tagalog news website, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, taal, Taal Volcano, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.