Mindanao at ilang bahagi ng Visayas uulanin dahil sa LPA

By Dona Dominguez-Cargullo March 05, 2020 - 05:15 AM

Maghahatid na ng kalat-kalat na pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa ang binabantayang Low Pressure Area ng PAGASA sa Mindanao.

Ang LPA ay huling namataan sa layong 555 kilometers East Southeast ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Ayon sa PAGASA, dahil sa LPA, ang Mindanao, Eastern at Central Visayas ay makararanas ng maulap na papawirin ngayong araw na mayroong kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms.

Ang Bicol Region naman naman ay makararanas din ng maulap na papawirin ngayong araw na mayroong kalat-kalat na pag-ulan dahil sa Tail End of a Cold Front.

Habang ang Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng Luzon ay makararanas lang ng bahagyang maulap na papawirin na may mahihinang pag-ulan.

Ayon sa PAGASA maliit ang tsansa na mabuo bilang gangap na bagyo ang LPA pero tatawirin nito ang Mindanao kaya magiging maulan pa rin dito sa mga susunod na araw.

TAGS: Inquirer News, LPA, Mindanao, Pagasa, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather, Inquirer News, LPA, Mindanao, Pagasa, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.