Residential area nasunog sa Malabon

Tinupok ng apoy ang isang residential area sa Letre Tonsuya sa Malabon City.

Nagsimula ang sunog alas 3:38 ng madaling araw kanina (Huwebes, March 5).

Makalipas lamang ang ilang minuto ay itinaas na sa 4th alarm ang sunog.

Pawang gawa kasi sa light materials ang mga bahay na nasunog kaya mabilis ang naging pagkalat ng apoy.

Sa ngayon ay under control na ang sunog.

Inaalam pa kung ilang pamilya ang nawalan ng tirahan at kung magkano ang halaga ng mga ari-ariang natupok.

Read more...