2 patay, 15 sugatan sa aksidente sa Pasig City

By Dona Dominguez-Cargullo March 05, 2020 - 05:37 AM

Dalawa ang nasawi habang sugatan ang hindi bababa sa 15 iba pa nang sumalpok ang isang pampasaherong jeep sa likuran ng isang truck sa Marcos Highway sa Pasig City.

Nangyari ang aksidente pasado ala 1:00 ng madaling araw ngayong Huwebes (March 5) sa westbound lane ng Marcos Highway malapit sa Ayala Feliz Mall.

Kinilala ng Pasig Police ang mga nasawi na sina Joseph Amor, 31 anyos na naipit sa pinangyarihan nga ksidente ay si Jenny Ann Clariño, 21 na hindi na umabot ng buhay sa ospital.

Kabilang naman sa nasugatan ang driver ng jeep na biyaheng Antipolo-Cubao na si Jay-R Gangan, 27 anyos.

Ayon kay Gangan, isang sasakyan ang iniwasan niya, pero hindi niya napansin na mayroon pa lang nakaparadang truck sa kaniyang harapan.

Nakahimpil sa highway ang truck dahil sumabog ang isa sa mga gulong nito.

TAGS: accident, Inquirer News, Marcos Highway, Pasig City, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, accident, Inquirer News, Marcos Highway, Pasig City, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.