WATCH: ‘Pedxing’ hindi alam ng mga jeepney driver

Sa kabila ng mga nagkalat na ‘Pedestrian Crossing’ o ‘Pedxing’ signs sa kalsada, marami pa ring drivers ang hindi alam ang kahulugan nito.

Sa pagdinig ng Senado, inihayag ito ni Victor Bantigue Jr. na ang anak ay nasawi matapos maararo ng isang pampasaherong jeep sa Makati City noong February 12.

Ayon kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, dapat sa murang edad pa lamang ay itinuturo na ito sa mga eskwelahan.

May ulat si Jan Escosio:

Read more...