Binabantayang LPA, nakapasok na sa loob ng PAR – PAGASA
Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang isang Low Pressure Area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Sa weather forecast, sinabi ni PAGASA weather specialist Ana Clauren na huling namataan ang LPA sa layong 745 kilometers Silangan Timog-Silangang bahagi ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Hindi naman aniya inaasahan na lalakas ang LPA para maging ganap na bagyo.
Ngunit, posible aniyang magdulot ang trough nito ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa Caraga at Eastern Visayas.
Maaari rin aniyang magkaroon ng epekto ang sama ng panahon sa buong Mindanao sa mga susunod na araw.
Samantala, patuloy na umiiral ang Northeast Monsoon o Amihan sa dulong bahagi ng Hilagang Luzon.
Dahil dito, asahan pa rin ang mahihinang pag-ulan partikular sa Batanes at Babuyan Group of Islands.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.