WATCH: Meeting para talakayin ang prangkisa ng ABS-CBN, itinakda na ng Kamara

Kuha ni Erwin Aguilon

Sisimulan nang talakayin ng House Committee on Legislative Franchises ang mga nakabinbing panukala para sa renewal ng prangkisa ng broadcast giant na ABS-CBN.

Ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano, isasagawa ang meeting ng komite sa araw ng Martes, March 10, ganap na 1:00 ng hapon.

Inimbitahan, ayon sa House Speaker, ang mga opisyal ng National Telecommunication Commission (NTC) upang masiguro ang pagbibigay ng regulatory body ng provisional authority upang makapag-ere ang Lopez-led broadcast corporation.

Sabi naman ni Palawan Rep. Franz Alvarez, pinuno ng komite, hindi pa pormal na hearing ang kanilang gagawin.

Dito anya ay ilalatag lamang nila ang mga rules na magiging batayan sa mga gagawing pagdinig.

Posible namang isagawaang pormal na hearing sa Mayo sa pagbabalik ng sesyon ng Kamara matapos ang kanilang Lenten break.

May 11 panukala na nakabinbin sa Kamara para mapalawig ang prangkisa ng network.

Narito ang buong ulat ni Erwin Aguilon:

Read more...