Presyo ng bigas, posibleng bumagsak sa P34 hanggang P35 kada kilo

By Chona Yu March 04, 2020 - 03:46 PM

Photo grab from PCOO Facebook live video

Umaasa ang National Economic Development Authority (NEDA) na bababa pa ang presyo ng bigas sa taong 2020.

Ito ay dahil sa patuloy na implementasyon ng Rice Tariffication Law.

Sa economic briefing sa Malakanyang, sinabi ni NEDA Assistant Secretary Mercedita Sombilla na maari pang pumalo sa P34 hanggang P35 ang presyo ng bigas kada kilo kumpara sa kasalukuyang mahigit P36 kada kilo.

Sa ilalim ng Rice Tariffication Law, wala nang quota ang mga rice trader sa pag-aangkat ng bigas sa ibang bansa.

Pero ayon kay Sombilla, ikinokonsidera rin ng NEDA ang posibilidad na hindi maabot ang naturang target sa pagbababa sa presyo ng bigas depende sa posibleng krisis sa Vietnam o Thailand kung saan umaangkat ang Pilipinas o ang sitwasyon sa world market.

Ayon kay Sombilla, kapag bumaba ang presyo ng bigas sa P34 hanggang P35 kada kilo, ito na ang pinakamababang presyo ng bigas sa nakalipas na anim na taon.

TAGS: Asec. Mercedita Sombilla, neda, presyo ng bigas, rice tariffication law, Asec. Mercedita Sombilla, neda, presyo ng bigas, rice tariffication law

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.