2 pang Filipino, nag-positibo sa COVID-19 sa Singapore
Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang dalawa pang Filipino sa Singapore na nagpositibo sa Coronavirus Disease (COVID-19).
Ito ang ikalawa at ikatlong kaso ng Filipino na nagpositibo sa virus sa Singapore.
Ayon sa DFA, ang naturang mga Filipino ay naka-confine na sa health facilities sa Singapore.
Patuloy naman na tinututukan ng Philippine Embassy ang kanilang mga pangangailangan.
Una nang nakakuha ng clean bill of health ang unang Filipinong na-discharge matapos magpositibo sa COVID-19 sa Singapore.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.