Higit 1M naserbisyuhan ng MRT-3 bus augmentation

Aabot sa mahigit-kumulang isang milyong pasahero ang naserbisyuhan ng bus augmentation project ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

Sa tala ng Department of Transportation (DOTr) hanggang Martes (March 3), nasa kabuuang 1,303,978 na pasahero ang naisakay ng 19,500 na nai-deploy na bus.

Nasa 20,748 na biyahe ang nagawa ng nasabing bilang ng mga bus.

Bukas ang serbisyo mula Lunes hanggang Biyernes simula 6:00 ng umaga hanggang 9:30 ng umaga.

Sakop nito ang mga pasahero sa MRT-3 North Avenue station patungong Ortigas at Ayala Stations.

Magkakatuwang sa MRT Bus Augmentation project ang DOTr, MRT-3, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Land Transportation Office (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) at Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT) Alpha at Bravo teams.

Read more...