NBI mayroon nang bagong OIC; Unang utos, magbitiw kung hindi magpapakabuti

By Ricky Brozas March 04, 2020 - 02:46 PM

Hinamon ni National Bureau of Investigation (NBI) officer-in-charge (OIC) Eric Distor ang mga opisyal at kawani ng bureau na magbitiw na lamang kung ang nais lamang nila ay magpayaman sa puwesto.

Sa katatapos na turnover ceremony, sinabi ni Distor na walang pagkakataon na yumaman ang sinuman kapag nasa public service gaya ng NBI.

Sabi ni Distor, kung gusto lamang yumaman dapat ay magnegosyo na lamang kaysa gamitin ang posisyon dahil sa sandaling magsimulang tumanggap ng suhol ay tapos na ang career.

Payo ni Distor sa mga taga-NBI, kapag nasa gobyerno ang dapat isipin ay kung paano mapaganda ang serbisyo lalo na at bayad na sila sa mga suweldo.

Sa kanyang pagsisimula bilang OIC, kabilang sa isusulong ni Distor ay ang mga sumusunod:
– Libreng clearance sa mga first time job seeker na makukuha sa online
– NBI kiosk sa airport para sa mga overseas Filipino worker (OFW) na magre-renew ng clearance na ang proseso ay tatagal lamang ng limang minuto bago sila umuwi sa kanilang mga bahay
– Ang pagtugis sa mga organisadong kriminal
– Pagpapaigting ng anti-illegal drugs operations

Pinaalalahan niya ang mga tauhan ng bureau na huwag payagan ang mga kriminal na magamit ang internet, paliitin ang
kanilang mundo at habulin kung saan nagtatago.

TAGS: NBI, NBI OIC Eric Distor, NBI, NBI OIC Eric Distor

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.