Voters registration sa iba’t ibang panig ng mundo, tuloy sa kabila ng banta ng COVID-19 – Comelec

By Ricky Brozas March 04, 2020 - 12:19 PM

Tuluy-tuloy pa rin ang voters registration para sa Eleksyon 2022 sa iba’t ibang panig ng mundo, ayon sa Commission on Elections o Comelec.

Ito ay sa kabila ng banta ng coronavirus disease o COVID-19.

Ayon kay Commissioner Rowena Guanzon, na siyang commissioner-in-charge ng Comelec-Office for Overseas Voting, walang pang plano ang Comelec na kanselahin ang voters registration para sa mga Pilipinong nasa abroad.

Sa katunayan ay hinihimok pa ng Comelec ang mga Pinoy na nasa iba’t ibang bansa na magparehistro upang makaboto sa halalan.

Ani Guanzon, umaasa ang Comelec na makamit ang target na dalawang milyong registered overseas voters para sa eleksyon sa May 2022.

Ito ay mas mataas kumpara sa kasalukuyang 1.3 milyong botante na nasa abroad.

Para magparehistro, kailangan lamang na magtungo sa mga designated registration center sa mga bansang naroroon ang mga Pilipino.

Samantala, sinabi ni Guanzon na bukas, Marso a-singko (March 05) ay may pulong ang Comelec, Department of Foreign Affairs, Philippines Overseas Employment Administration at Overseas Workers Welfare Administration para sa tinatawag na “Joint Planning Workshop” kaugnay sa Eleksyon 2022.

TAGS: comelec, Inquirer News, overseas voters, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, voters registration, comelec, Inquirer News, overseas voters, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, voters registration

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.