Seguridad ng mga simbahan at mga deboto ngayong Semana Santa inilatag ng NCRPO

Nagpulong ang pamunuan ng Arzobispo De Manila at National Capital Region Police Office (NCRPO) kaugnay sa ipatutupad na seguridad sa paggunita ng Semana Santa o ngayong darating na Mahal na Araw.

Kabilang sa tinalakay nina Bishop Broderick Pabillo, New Apostolic Administrator, Archdiocese of Manila at NCRPO Police Major Gen. Debold Sinas ay ang police visibility, seguridad ng mga simbahan at kapilya sa panahon ng misa tuwing Linggo.

Gayundin ang security plan sa panahon ng Semana Santa, Regional Peace and Order Council at ang koordinasyon sa PNP.

Inaasahan namang magsasagawa ng mga susunod na pagpupulong sa panig ng Simbahan at NCRPO upang mapalakas ang ugnayan ng simbahan at pulisya at makabalangkas ng programang na magsisilbing daan upang maging mabuti ang mga kagawad ng PNP.

Read more...