Bring all the charges you want.
Ito ang naging hamon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mga kritiko at patuloy na pumupuna sa kanyang anti-drug war campaign na nauwi na umano sa extra judicial killings.
Ayon sa pangulo, wala siyang pakialam sa EJK at patuloy na paninindigan ang kanyang prinsipyo na papatayin ang sinumang sisira sa bayan.
Nakatatakot ayon sa pangulo kung pababayaan na lamang ang mga susunod na henerasyon na malulong sa ilegal na droga.
Ayon sa pangulo, nais niyang ipreserve ang bansa.
Matatandaang ilang International Human Rights Group na ang bumatikos kay Pangulong Duterte at naghain ng kaso sa International Criminal Court dahil sa madugong kampanya sa ilegal na droga.
Maging si dating US President Barack Obama ay pumalag na rin sa nangyayaring anti-illegal drugs dahil nauwi na sa human rights violations ang naturang kampanya.