Schedule ng pagbubukas ng Kennon Road para sa mga motorista pinalawig

By Dona Dominguez-Cargullo March 04, 2020 - 11:28 AM

Pinalawig ng Cordillera Regional Disaster Risk Reduction and Management Council ang partial na pagbubukas sa Kennon Road dahil sa mga bagong schedule ng aktibidad para sa Panagbenga 2020.

Ayon sa abiso ng DPWH-Cordillera ang Kennon Road ay bubuksan para sa mga pribadong sasakyan ng two – way kada weekend mula alas 6:00 ng umaga ng Biyernes hanggang (March 6) alas 6:00 ng gabi ng Lunes (March 9).

Ipatutupad ang parehong schedule ng pagbubukas ng kalsada sa mga susunod pang weekend na March 13 hanggang 16, March 20 hanggang 23 at March 27 hanggang 30.

Kapag weekdays naman, mula 6:01 ng gabi ng Lunes hanggang 5:59 ng umaga ng Biyernes, bukas ang isang linya lang ng Kennon Road sa northbound o ang lane na paakyat ng Baguio City.

Pinapayuhan ang mga motorista na gamitin lang ang right lane para ang mga residente sa Kennon Road ang gagamit ng Southbound lane.

Tanging ang light vehicles lamang o 5 tons at pababa ang papayagang dumaan sa kalsada at pinapayuhan ang mga motorista na sundin ang speed limit na 30 kph.

TAGS: DPWH, Inquirer News, Kennon Road, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, DPWH, Inquirer News, Kennon Road, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.