P2.8M na halaga ng shabu nakumpiska sa buy-bust sa Lucena City

By Dona Dominguez-Cargullo March 04, 2020 - 11:06 AM

Aabot sa P2.8 million na halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga otoridad sa dalawang big-time drug traffickers sa Lucena City.

Ikinasa ng mga tauhan ng anti-illegal drugs operatives ng Lucena City police at Quezon police ang operasyon sa Barangay Ibabang Dupay.

Ayon kay Lieutenant Colonel Romulo Albacea, Lucena police chief, dinakip ang mga suspek na sina Mary Jane Pamatmat, 30 at Niel Carlo Tolentino, 24 matapos magbenta ng P20,000 halaga ng shabu sa pulis na nagpanggap na buyer.

Nang kapkapan, nakuhanan pa sila ng anim na plastic sachets ng shabu na tinatayang aabot sa P2.8 million ang halaga.

Ayon kay Albacea si Pamatmat ay newly identified “high-value target” lamang.

TAGS: Inquirer News, Lucena City, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, War on drugs, Inquirer News, Lucena City, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.