5 suspek nahulihan ng P3.4M na halaga ng shabu sa Pasay

Arestado ang limang drug suspects sa ikinasang operasyon kontra ilegal na droga sa Pasay City.

Ayon sa National Capital Region Police Office, nakilala ang mga suspek na sina Erwin Peredo, 29; Jairabelle Arandia, 24; Domingo Maglaque, 46; Carolina Peredo, 50; at Jericson Arandia, 20.

Ikinasa ng pinagsanib na pwersa ng Quezon City police station 4 at Pasay police station ang buy-bust operation sa loob ng isang apartment sa Barangay 166 sa Malibay.

Nakuha sa kanila ang hinihinalang shabu na tinatayang aabot sa P3.4 million ang halaga.

Nakumpiska din ang marked money na P1,000; brown paper bag; boodle money na P99,000; dalawang belt bags; pouch; apat na cellphones; at digital weighing scale.

 

Read more...