outbrain

Misis ng drug suspect sa Cebu patay sa pananambang

By Dona Dominguez-Cargullo March 04, 2020 - 10:06 AM

Nasawi sa pananambang ang isang ginang na misis ng isang drug suspect sa Cebu.

Binaril sa loob ng isang bahay sa Sitio Kawid, Barangay Ermita ang biktimang si Ediliza Andrino, 45 anyos, Mieyrkules (March 4) ng madaling araw.

Ayon kay police Corporal Christopher Segovia ng Carbon Police, nagtamo ang biktima ng tama ng bala ng baril sa kaniyang ulo.

Hindi pa nakikilala ang suspek sa pananambang.

Hinihinalang may kaugnayan sa kalakaran ng ilegal na droga ang krimen.

Ang asawa kasi ng biktima at kanilang anak na lalaki ay kapwa nakakulong ngayon dahil sa illegal drug case.

TAGS: ambush, cebu, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, police report, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, ambush, cebu, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, police report, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.