SOCO ipinoproseso na ang van ng aktres na si Kim Chiu

By Dona Dominguez-Cargullo March 04, 2020 - 09:02 AM

Dumating na ang mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives sa lugar na pinangyarihan ng pamamaril sa sasakyan ng aktres na si Kim Chiu.

Nangyari ang pamamaril alas 6:15 ng umaga, at bago mag-alas 9:00 ng umaga nang dumating sa lugar ang SOCO para iproseso ang pinagbabaril na sasakyan.

Wala pang pahayag ang mga otoridad sa kung ano ang posibleng motibo sa pananambang.

Ayon sa driver ng aktres na si Wilfredo Taperla, wala silang natatanggap na anumang banta kaya blangko din siya kung ano ang dahilan ng pamamaril.

Mistulang sinadyang abangan ang van ng aktres sa kanto ng CP Garcia at Katipunan Avenue.

Habang nakahinto ang van ay dumikit ang riding in tandem at saka nagpaputok.

Anim na tama ng bala ng baril ang nakita sa sasakyan ng aktres.

TAGS: ambush, can, Inquirer News, kim chiiu, metro, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, police report, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, ambush, can, Inquirer News, kim chiiu, metro, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, police report, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.