Global shortage ng medical equipment ibinabala ng WHO
By Dona Dominguez-Cargullo March 04, 2020 - 08:53 AM
Nagbabala ang World Health Organization (WHO) ng global shortage sa mga medical equipment dahil sa COVID-19.
Kasabay nito hiniling ng WHO sa mga kumpanya at pamahalaan na dagdagan ng 40 percent ang produksyon ng mga medical equipment at protective equipment.
Kasabay kasi ng mataas na demand sa mga ito sa iba’t ibang panig ng mundo ay tumataas din ang presyo.
Ang World Bank ay nag-anunsyo na na maglalabas ng $12 billion para matulungan ang mga bansang labis na apektado ng sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.