Lumalabas sa imbestigasyon na nawalan ng preno ang truck na may plate number na ZFM-658 na minamaneho naman ni Ejay Figuera.
Nangyari ang insidente ala-1:15 ng madaling araw ng Miyerkules (March 4) kung saan inabot ng higit anim na oras bago ito tuluyang naialis.
Puno ng coco lumber ang nasabing truck na dadalhin sana sa isang warehouse sa may bahagi ng Valenzuela City.
Hawak naman na ng Manila Police District traffic sector ang driver ng truck habang nasa maayos naman ng kondisyon ang sugatang pahinante.
MOST READ
LATEST STORIES