Van ng aktres na si Kim Chiu pinagbabaril ng riding in tandem sa Katipunan, QC

By Dona Dominguez-Cargullo March 04, 2020 - 07:12 AM

(UPDATE) Anim na beses na pinagbabaril ang van sakay ang aktres na si Kim Chiu sa Katipunan Avenue kanto ng CP Garcia Avenue, Brgy. UP Campus, Quezon City.

Sa inilabas na spot report ng Anonas Police Station ng QCPD, nangyari ang insidente alas 6:15 ng umaga kanina.

Ayon sa driver ni Kim Chiu na si Wilfred Taperla, kalalabas lang nila ng subdivision sakay ng Hyundai H350 na kulay itim nang dikitan sila ng motorisklo na may lulang dalawang lalaki.

Pawang nakasuot ng itim na jacket at helmet ang dalawa at saka pinagbabaril ang sasakyan.

Mabilis tumakas ang mga suspek patungo sa direksyon ng Katipunan – Old Balara.

Sa kabila ng anim na balang tumama sa sasakyan ay ligtas naman si Taperla, si Kim Chiu at ang personal assistant ng aktres.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

Isa si Kim Chiu sa mga pinaka-aktibong aktres ng ABS-CBN. Umeere ngayon ang pinagbibidahan niyang teleserye na Love Thy Woman.

TAGS: Inquirer News, Kim Chiu, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, quezon city, Radyo Inquirer, Shooting Incident, Tagalog breaking news, tagalog news website, Inquirer News, Kim Chiu, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, quezon city, Radyo Inquirer, Shooting Incident, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.