LTFRB tumatanggap na ng aplikasyon para sa mga bus na gustong makakuha ng special permits para sa Holy Week

By Dona Dominguez-Cargullo March 04, 2020 - 07:05 AM

Tumatanggap ng aplikasyon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa mga bus na gustong makakuha ng special permits para sa Holy Week.

Ayon sa LTFRB, hanggang sa March 13, 2020 ay tatanggap sila ng mga petisyon na gustong makabiyahe ng labas sa kanilang ruta at mabigyan ng special permits.

Maaring ihain ang aplikasyon sa Window 9 ng LTFRB Central Office sa Quezon City kalakip ng kumpletong requirements.

Kabilang sa mga requirement ang mga sumusunod:

– Verified Petition
– Latest OR/CR
– Franchise Verification
– Updated Personal Passenger Insurance
– Address ng terminal

Naglalabas ng special permits ang LTFRB sa mga pampasaherong bus kapag holiday season para matiyak na maa-accommodate ang dagsa ng mga pasaherong magsisiuwian sa kanilang mga lalawigan.

TAGS: bus, Holy Week, Inquirer News, ltfrb, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, special permit, Tagalog breaking news, tagalog news website, bus, Holy Week, Inquirer News, ltfrb, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, special permit, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.