Calatagan, Batangas niyanig ng magnitude 3.1 na lindol
By Dona Dominguez-Cargullo March 04, 2020 - 06:20 AM
Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang bayan ng Calatagan sa lalawigan ng Batangas.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa layong 22 kilometers Southwest ng Calatagan alas 5:50 ng umaga ng Miyerkules (March 4).
May lalim na 118 kilometers ang pagyanig at tectonic ang origin.
Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks dahil sa lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.