Calayan, Cagayan, niyanig ng magnitude 4.7 na lindol

By Dona Dominguez-Cargullo February 04, 2016 - 06:56 AM

Feb 4 Calayan CagayanNiyanig ng magnitude 4.7 na lindol ang bayan ng Calayan sa lalawigan ng Cagayan.

Alas 5:01 ng umaga ng Huwebes, naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang magnitude 4.7 na lindol sa 37 km west ng bayan ng Calayan.

Wala namang naitalang intensity ang Phivolcs sa nasabing lindol.

Tectonic ang origin ng lindol at hindi rin inaasahang magdudulot ito ng pinsala o aftershocks.

Alas 12:05 ng madaling araw ng Huwebes ay tumama rin ang magnitude 4.7 na lindol sa bahagi naman ng Don Marcelino, Davao Occidental.

Sa updated information na inilabas ng Phivolcs , naitala ang intensity 3 sa Malita, Davao Occidental at sa Alabel Sarangani, habang intensity 2 naman ang naitala sa General Santos City.

TAGS: magnitude 4.7 quake hits calayan cagayan, magnitude 4.7 quake hits calayan cagayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.