General Luna, Surigao Del Norte niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang lalawigan ng Surigao Del Norte.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 31 kilometers Southeast ng bayan ng General Luna, alas-2:32 umaga ng Miyerkules (March 4).

May lalim na 23 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Read more...