Dalawang miyembro ng Daesh-Inspired terrorist group patay sa engkwentro sa Maguindanao

Nasawi ang dalawang miymebro ng Daesh-Inspired terrorist group na Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) sa engkwentro na naganap sa Barangay Tuayan, Datu Hoffer, Maguindanao.

Ayon kay Lt. Gen. Cirilito Sobejana, commander ng Western Mindanao Command ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nakasagupa ng mga tauhan ng 1st Mechanized Infantry Brigade ang limang miyembro ng BIFF.

Matapos ang palitan ng putok na tumagal ng 20-minuto ay na-recover ang dawalang bangkay ng rebelde mula sa lugar.

May nakuha ring garand rifle at isang kalibre 45 na baril na kargado ng mga bala.

Bago ito ayon kay Sobejana, mayroon pang na-recover na bangkay ng kalaban ang mga miyembro ng 57th infantry Battalion sa Barangay Salman sa bayan ng Ampatuan.

Read more...