Alok na P1-M ng security agency, hindi tinanggap ng hostage taker sa Greenhills

By Angellic Jordan March 03, 2020 - 09:19 PM

Tinanggihan ng hostage taker na si Alchie Paray ang P1 milyong alok ng Safeguard Armor Security Corporation (SASCOR).

Inalok ito ng security agency para sumuko si Paray at palayain ang mahigit 30 indibidwal sa V-Mall sa Greenhills, San Juan City.

Sa isang press conference, sinabi ni San Juan City Mayor Francis Zamora na hindi tinanggap ni Paray ang alok dahil hindi pera ang kailangan nito.

Ang kailangan aniya ng hostage taker ay marinig ang kaniyang mga hinaing sa security agency.

Ito naman, ani Zamora, ang ibinigay kay Paray.

Pumayag din aniya si Paray na sumuko sa mga otoridad at palayain ang mga hawak na hostage kung papayagan siyang magkaroon ng press conference.

Binigyan naman ng pagkakataon si Paray na makapagsalita sa harap ng media at saka naaresto ng mga otoridad.

TAGS: Alchie Paray, hostage-taking sa Greenhills, Mayor Francis Zamora, SASCOR, Alchie Paray, hostage-taking sa Greenhills, Mayor Francis Zamora, SASCOR

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.