Wanted na guro, huli sa illegal recruitment

By Jan Escosio March 03, 2020 - 08:56 PM

Inaresto ng mga tauhan ng CIDG Region 1 ang isang private school teacher na may patung-patong na kasong kriminal.

Ayon kay Police Col. Santiago Pascual III, regional chief ng CIDG RFU 1, isang impormasyon ang natanggap ni Police Maj. Mel Bantas, hepe ng CIDG – Ilocos Sur, at natunton nila si Melvin Alamag, 49-anyos, sa pinagtataguan nito sa Baguio City.

Isinilbi kay Alamag ang warrant of arrest para sa kasong illegal recruitment involving economic sabotage na ipinalabas ni Judge Trese Wenceslao, ng RTC Branch 25 sa Cabanatuan City.

Kasunod nito ang pagsilbi na rin ng hiwalay na warrant of arrest para sa kasong estafa.

Nabatid na nag-aalok ng trabaho sa ibang bansa si Alamag at nangongolekta ito ng bayad sa kanyang mga naloloko.

Pinamumunuan nito ang ‘Alamag Gang’ na marami nang nabiktima sa Nueva Ecija.

TAGS: Alamag Gang, CIDG Region 1, CIDG RFU 1, Melvin Alamag, Alamag Gang, CIDG Region 1, CIDG RFU 1, Melvin Alamag

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.