Pangulong Duterte, wala pang nakikitang pulitiko na maaring pumalit sa kanya

By Chona Yu March 03, 2020 - 08:17 PM

Wala pang nakikita si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pulitiko na maaring pumalit sa kanyang puwesto.

Ayon sa pangulo, wala pang nakapapasa sa kanyang panlasa na magiging pangulo ng bansa.

“We’re getting old and the young are there. Wala pa’kong nakita na new crop of politicians dito sa ating bayan. Frankly, wala akong nakita. Wala akong nakita na pwede talagang maging Presidente,” ani Duterte.

Ayon sa pangulo, hindi maaring maging pangulo ng bansa ang isang pulitiko na hindi marunong pumatay o hindi kaya ay takot na mamatay.

Tiyak kasi aniyang walang mangyayari sa bayan kung puro utos lamang ang gagawin ng susunod na pangulo ng bansa at sa huli ay siya pa ang lalabas na kontrabida.

“Alam mo sa totoo lang, Presidente ka kapag di ka marunong pumatay at takot ka mamatay e wag ka na mag-presidente. Walang mangyari sa’yo, walang mangyari sa bayan kung puro utos ka lang in the end ikaw pa yung kontrabida,” pahayag ng pangulo.

Natatakot ang pangulo para sa mga susunod na henerasyon kung hindi maipagpatuloy ng susunod na pangulo ng bansa ang pangangalaga sa bayan.

“That’s why I’m scared for the next generation. ‘Yung mga apo natin,” dagdag pa nito.

Matatandaang makailang beses nang inendorso ng pangulo si Senador Manny Pacquiao na maaring maging susunod na pangulo ng bansa.

TAGS: Rodrigo Duterte, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.