Pope Francis, nagnegatibo sa COVID-19

Nagnegatibo si Pope Francis sa Coronavirus Disease (COVID-19).

Batay sa ulat, ito ay matapos suriin ang Santo Papa makaraang magkaroon ng sipon.

Matatandaang kinansela ng Santo Papa ang Lent retreat sa nagdaang weekend.

Kasabay nito, kinansela rin ni Pope Francis ang lahat ng public meetings noong nakaraang linggo dahil sa sipon.

Sa huling tala, mahigit 2,000 katao na ang apektado ng virus sa Italy kung saan 52 na ang nasawi.

Read more...