P304,000 halaga ng shabu, nasamsam sa Negros Oriental
Nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nasa P304,000 halaga ng hinihinalang shabu sa Dumaguete City, Negros Oriental Lunes ng gabi.
Ayon sa PDEA Central Visayas (RO7), ikinasa ang buy-bust operation sa Senator Lorenzo Teves St. sa bahagi ng Barangay Poblacion 3 dakong 7:10 ng gabi.
Nahuli sa operasyon ang suspek na si Purita Tresquio Balladares, 57-anyos na pawang residente ng Bais City.
Nakuha kay Balladares ang 22 plastic sachets ng hinihinalang shabu na may bigat na mahigit-kumulang 50 gramo, ginamit na buy bust money, isang weighing scale at dalawang cell phone.
Kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article 2 ng Republic Act 9165 ang isasampa laban sa suspek.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.