Isang low pressure area (LPA) ang nabuo sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Sa weather forecast, sinabi ni PAGASA weather specialist Ariel Rojas na huling namataan ang sama ng panahon sa layong 1,680 kilometers Timog-Silangan ng Mindanao.
Posible aniyang pumasok ang LPA sa southeastern part ng PAR sa susunod na 24 hanggang 36 oras.
Sinabi pa ni Rojas na posibleng magdulot ang trough ng LPA ng pag-ulan sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao sa mga susunod na araw.
Gayunman, hindi naman aniya inaasahang lalakas at magiging bagyo ang LPA.
Samantala, Northeast Monsoon o Amihan ang umiiral sa dulong bahagi ng Luzon.
Magdadala aniya ito ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na mahihing pag-ulan sa Batanes at Babuyan Group of Islands.
Easterlies naman galing sa Pacific Ocean ang nakakaapekto sa iba pang bahagi ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.