Speaker Cayetano suportado pa rin ng malalaking partido sa Kamara

By Erwin Aguilon March 03, 2020 - 05:04 PM

Malaki pa rin ang suporta ni House Speaker Alan Peter Cayetano sa mga miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ayon kay National Unity Party (NUP) President at Cavite Rep. Elpidio Barzaga, suportado pa rin ng kanilang partido sa Kamara si Cayetano.

Mula simula aniya ng Speakership ni Cayetano ay matatag na ang suporta ng NUP.

Bukod sa NUP, sa biglaang pagpapatawag ng pulong ay nagpahayag din ng suporta ang Nacionalista Party ni Deputy Speaker Raneo Abu at LAKAS Party sa pangunguna ni Majority Leader Martin Romualdez.

Sabi ni Barzaga, hindi na dapat guluhin ang leadership ng Kamara gayong masaya naman ang mayorya ng mga kongresista.

Sinabi pa ni Barzaga na tinatrato sila ng patas ni Cayetano at sa katunayan, walang kapalit ang suportang ibinibigay nila sa Speaker.

Pinatotohanan din ng kongresista ang ibinulgar ni Cayetano na ilan sa kanyang mga kapartido ang inalok ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco ng posisyon at pondo.

TAGS: Alan Peter Cayetano, house leadership, nup, Rep. Elpidio Barzaga, Alan Peter Cayetano, house leadership, nup, Rep. Elpidio Barzaga

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.