Suplay ng tubig sa Metro Manila, sapat ngayong 2020

Tiniyak ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na sapat ang suplay ng tubig sa Metro Manila sa taong 2020.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, ginawa ni Environment Secretary Roy Cimatu ang grantiya kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Cabinet meeting, Lunes ng gabi, sa Malakanyang.

Nagprisinta aniya si Cimatu ng water supply outlook at action plan.

Inilahad din ni Cimatu sa pangulo ang resulta ng ginawang inspeksyon sa Angat Dam kung saan ipinakita ang kapabilidad at limitasyon nito.

Aabot sa 97 porsyento ng suplay ng tubig sa Metro Manila ang nanggagaling sa Angat Dam.

“Report was the outlook and action plan of the government in preparation for summer. Environment and Natural Resources Secretary Roy Cimatu discussed the water supply outlook. Sec. Cimatu presented his recent inspection of the Angat Dam, where he looked into the capabilities and limitations of the aforesaid dam which supplies more than 97% of the total water supply requirement of Metro Manila. The Environment Secretary assured the President that we will have enough water for the year,” pahayag ni Panelo.

Read more...