Ito ay dahil sa patuloy na banta ng Coronavirus Disease o COVID-19.
Sa panayam kay Commissioner Rowena Guanzon, kinumpirma nito na hindi na tuloy ang planong testing ng mobile voting application sa Singapore, Hong Kong at Middle East, na may mga positibong kaso ng COVID-19.
Paliwanag ni Guanzon, na siyang in charge sa Comelec Office of Overseas Voting, nagdesisyon ang En Banc ng poll body na huwag nang isagawa ang test sa mga nabanggit na lugar bilang pag-iingat laban sa COVID-19.
Nilinaw naman ni Guanzon na tuloy ang test run ang aplikasyon sa San Francisco, sa Amerika, sa Hunyo o Hulyo 2020.
Pero magpupulong muli aniya ang En Banc sa darating na March 5, 2020 upang madetermina kung saang mga bansa uubrang isagawa ang testing ng mobile voting application, gaya sa Estonia at Australia.
Matatandaan na inaprubahan ng Comelec En Banc ang test run ng mobile voting application sa iba’t ibang mga bansa para sa posibleng paggamit dito sa Eleksyon 2022.