Speaker Cayetano at Cong. Velasco, wala na daw dapat pag-usapan

Iginiit ni House Speaker Alan Peter Cayetano na wala na silang dapat pang pag-usapan ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.

Ito ay matapos ituro ni Cayetano na si Velasco ang nasa likod ng coup attempt sa kanya.

Kung tutuusin ay wala naman aniyang dapat ikatakot si Velasco na hindi maupong Speaker dahil mangyayari ito kung kagustuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Payo nito sa kongresista, magtrabaho na lang sila at tigilan na ang siraan at pang-iintriga.

Tila sinumbatan pa ni Cayetano si Velasco na inalok niyang maging senior deputy speaker para kasama ito sa lahat ng usapan kagaya ng Majority Leader pero tinanggihan ito ng kongresista at ipinilit ang gusto na maging chairman ng Energy committee.

Si Velasco rin aniya ang hindi makapag-commit na panatilihin na lang ang committee chairmanships kahit magpalitan sila bilang speaker.

Binigyang diin ni Cayetano na kung mayroon sa kanilang dalawa ang may history na nagbabago ng usapan, si Velasco iyon na siya umanong may gusto ng term-sharing sa umpisa pa lang.

Read more...