Pahayag ito ng Palasyo matapos mabunyag ang ‘Pastillas scheme’ sa Bureau of Immigration (BI) kung saan sinusuhulan ng mga Chinese ang mga tiwaling tauhan ng BI para makapasok sa bansa at makapagtrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, binigyan ng pagkakataon ni Pangulong Duterte si Morente sa Cabinet meeting, Lunes ng gabi, sa Malakanyang na magpaliwanag at magpatupad ng mga bagong hakbang para masawata ang korupsyon at suhulan.
“Well he’s giving Commissioner Morente a chance to do something about the problem in the Immigration,” ani Panelo.
May executive order na rin aniya na ikinakasa ang pamahalaan para matugunan ang naturang problema.
Sinabi ni Panelo na kung susundan ang tono ng pangulo, hindi ito naniniwala na sangkot si Morente sa ‘Pastillas scheme’ dahil kung naniwala ito matagal nang sinibak sa puwesto ang opisyal.
Gayunman, sinabi ni Panelo na hindi pa rin ligtas si Morente sa imbestigasyon.
“Let me make it very clear, there’s nobody that is exempted from any investigation when there is a complaint of corruption. Regardless of who you are, if there’s a complaint, you will be investigated,” dagdag pa nito.