Panukalang batas para sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN maaring lagdaan ni Pangulong Duterte

By Chona Yu March 03, 2020 - 12:23 PM

Walang nakikitang rason si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Andanar para hindi lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang renewal ng prangkisa ng ABS-CBN.

Ito ay kung makalulusot sa Kamara ang panukalang batas para sa franchise renewal ng naturang TV station.

Ayon kay Andanar, mapagpatawad na tao si Pangulong Duterte.

Sapat na aniya ang sorry ng ABS-CBN sa pangulo nang hindi i-ere ang kanyang ilang campaign materials noong 2016 presidential elections.

Aminado naman si Andanar na walang magagawa ang Malakanyang kung hindi magiging paborable ang desisyon ng kamara at maging ng Korte Suprema sa ABS-CBN na ngayon ay nahaharap sa quo warranto petition dahil sa hiwalay na sangay ito ng pamahalaan.

Pero ayon kay Andanar kapag nakakuha naman ng kaaya-ayang desisyon ang ABS-CBN tiyak na makikinabang din ang Rappler na ngayon ay nahaharap din sa legal issue dahil sa Philippine Depository Receipts.

Matatandaang makailang beses nang binanatan ni Pangulong Duterte ang ABS-CBN at Rappler dahil sa hindi patas na pagbabalita at ilang legal issues.

 

TAGS: ABS-CBN, franchise issue, Inquirer News, pcoo, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, president duterte, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, ABS-CBN, franchise issue, Inquirer News, pcoo, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, president duterte, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.