Labor education subject sa College inihihirit ni Senator Joel Villanueva
Isinusulong sa Senado ni Senator Joel Villanueva ang pagkaroon ng labor education subject sa kolehiyo.
Sinabi ni Villanueva na layon ng inihain niyang Senate Bill No. 1218 na malaman ng mga estudyante ang kanilang mga karapatan kapag sila ay nagtatrabaho na.
Binanggit ng senador ang ulat na mababa ang pagsunod ng mga negosyante sa mga batas sa paggawa sa apat na rehiyon.
Aniya sa social media pa lang ay bumabaha na ng mga reklamo sa paglabag sa labor laws.
Dagdag pa nito ang lumulubong bilang ng mga reklamo sa National Labor Relations Commission ay patunay na kailangan talagang malaman ng mga empleado o manggagawa ang kanilang mga karapatan.
Sinabi pa ni Villanueva na ilan lang sa mga karapatan ng manggagawa ay ang katiyakan ng security of tenure, tamang suweldo, lingguhang day off, pagkakaroon ng mga benepisyo, ligtas na lugar ng pinagta-trabahuhan, pagbuo ng unyon o organisasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.