Bangko Sentral ng Pilipinas nagkapag-remit ng P21B sa national government
Ipinagmalaki ng pamunuan ng Bangko Sentral ng Pilipinas na nakapag-ambag ang BSP ng kabuuang P21.48 billion sa pamahalaan.
Ang unang remittance na P4 na bilyon ay noong Pebrero 2019 at ang karagdagang P17.48 billion ay kamakailan lamang.
Ikinalulugod ni BSP Governor Benjamin E. Diokno, na ang central bank ay nakapagko-contribute ng salapi sa pamahalaan upang isulong ang pag-angat ng ekonomiya at mapaganda ang kalidad ng pamumuhay ng mga Filipino.
Ipinagmalaki ni Diokno na ang nasabing 2018 contribution ang pinakamalaking kontribusyon ng BSP sa gobyerno mula nang itatah ito noong 1993.
Umaabot naman sa P26.96 billion ang kabuuang kontribusyon ng BSP sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.