Bogart the Explorer naaksidente, sasailalim sa physical therapy para muling makalakad

Naaksidente si Marco Ho o mas kilala bilang Bogart the Explorer.

Sa kaniyang post sa Facebook, sinabi ni Ho na siya ay naaksidente habang nagsu-surf at napinsala ang kaniyang kanang binti.

Kabilang sa naputol ang ugat sa kaniyang kanang binti at kakailanganin niyang sumailalim sa reconstructive surgery at skin grafting, blood transfusions at physical therapy para muling makalakad.

Tiniyak naman ni Ho na stable na ang kaniyang kondisyon ngayon at nagpasalamat din siya sa mga nagdasal para sa kaniyang kalagayan.

Nagpapagaling ngayo sa Davao si Ho para sumailalim sa mga operasyon.

Read more...