Bukas si Pangulong Rodrigo Duterte na maimbestigahan sa alegasyon ng “Kontra Daya” na nagkaroon siya ng overspending noong 2016 presidential elections.
Kinukwestyon ng Kontra Daya ang P182 million na election spots na binili ni Pangulong Duterte sa isang TV station noong nakaraang halalan.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, malaya ang sinuman na mag-demanda o mag-imbestiga sa pangulo.
Pinanindigan ni Panelo na walang nilalabag na batas ang pangulo.
Ayon kay Panelo, numero unong kontra si Pangulong Duterte sa mga violators ng batas.
Sinabi pa ni Panelo na galing sa mga mayayamang kaibigan ni Pangulong Dutete ang perang ibinayad sa mga commercial spots.
Matatandaang sa hearing sa senado sa prangkisa ng ABS-CBN, nabunyag na nagbayad si Pangulong Duterte ng mahigit isang daang milyong piso para sa commercial spots subalit hindi naman na-ere lahat.