outbrain

Labor issues na binanggit ng hostage taker sa Greenhills, San Juan iimbestigahan ng DOLE

By Dona Dominguez-Cargullo March 03, 2020 - 11:10 AM

Iimbestigahan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang labor issues sa mall sa Greenhills San Juan.

Ito ay kasunod ng mga pahayag ng hostage taker na si Alchie Paray na naglabas ng hinaing sa mga problema nilang security guards.

Iniutos na ni Labor Sec. Silvestre Bello III ang pag-iinspeksyon sa mga mall sa Greenhills para matiyak na sila ay sumusunod sa labor standards at occupational and health standards.

Bago mangyari ang insidente kahapon, sinabi ni Bello na may mga reklamo na silang natanggap dahil nagkaroon umano ng sibakan nang mag-take over ang Ayala sa Greenhills management.

Hindi naman binanggit ni Bello ang kumpletong detalye sa take over.

Pinatitignan din ni Bello ang labor practice ng security agency na sangkot sa usapin.

TAGS: Department of Labor and Employment, greenhills san juan, hostage taking, Inquirer News, Labor issues, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, V-mall, Department of Labor and Employment, greenhills san juan, hostage taking, Inquirer News, Labor issues, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, V-mall

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.