Bilang ng nasawi sa South Korea dahil sa COVID-19 nadagdagan pa
By Dona Dominguez-Cargullo March 03, 2020 - 10:57 AM
Nadagdagan pa ng anim ang bilang ng mga nasawi sa South Korea dahil sa COVID-19.
Sa ngayon ay 34 na ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa South Korea.
Nakapagtala din ito ng halos 500 na panibagong kaso kaya umabot na sa 4,812 ang kumpirmadong kaso ng sakit base sa datos ng orea Centers for Disease and Control and Prevention.
Mahigit kalahati ng kumpirmadong kaso ay mula sa isang sekta sa Daegu City.
Naglabas na ng pahayag ang pamunuan ng naturang sekta at huingi ito ng paumanhin sa publiko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.