Alegasyon ng hostage taker sa V-Mall Greenhills iimbestigahan ng pamunuan ng mall

Nangako ang pamunuan ng V-Mall Greenhills, San Juan na iimbestigahan nito ang mga alegasyon na inilahad ng hostage taker na si Alchie Paray.

Kabilang sa mga alegasyon ni Paray na ilang security officials ang tumatanggap ng suhol mula sa mga tenant ng mall.

Sa pahayag ng Greenhills center management, sinabi nitong bubusisiin nila ang mga alegasyon ni Paray.

Tiniyak din ng management ng Greenhills ang patuloy na kooperasyon sa imbestigasyon ng pulisya.

Ginagawan na rin ng paraan upang maibalik sa normal ang operasyon ng shopping mall.

Kasabay nito, sinabi ni Greenhills management na tinutulungan din nila ang mga biktima ng hostage taking.

Read more...