14 sa 15 repatriates sa New Clark City na nakitaan ng sintomas ng flu negatibo sa COVID-19

By Dona Dominguez-Cargullo, Ricky Brozas March 03, 2020 - 09:53 AM

Umakyat na sa 15 na repatriates na nasa New Clark City sa Tarlac ang nadala sa ospital matapos magpakita ng sintomas ng COVID-19.

Pero ayon sa Department of Health (DOH), 14 sa kanila ay nag-negatibo na sa COVID-19 base sa resulta ng pagsusuri ng RITM.

Sa panayam ng Radyo Inquirer kay DOH Asec. Maria Rosario Vergeire, ang 14 ay naibalik na sa New Clark City at isa na lamang ang nananatili sa ospital.

Hinihintay pa kasi ang resulta ng ginawang pagsusuri sa kaniya.

Ang 15 ay pawang nakitaan ng flu-like symptoms kaya agad dinala sa pagamutan.

Sa March 11, 2020 ay matatapos ang 14-day quarantine period sa mahigit 400 na inilikas mula sa MV Diamond Princess.

TAGS: coronavirus disease, COVID-19, department of health, Filipino repatriates, Health, Inquirer News, New Clark City, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, coronavirus disease, COVID-19, department of health, Filipino repatriates, Health, Inquirer News, New Clark City, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.