Tulong na naibigay sa mga na-stranded na OFW dahil sa travel ban sa mga bansang labis na apektado ng COVID-19 umabot na sa P81M

Nakapagpalabas na ng P81 million na tulong ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa mga Overseas Filipino Workers na naapektuhan ng ipinatutupad na travel ban sa mga bansang labis na apektado ng COVID-19.

Sa datos ng OWWA 8,106 na overseas workers ang tumanggap na ng P10,000 matapos ma-stranded nang ipatupad ang travel papuntang China, Hong Kong, Macau at Taiwan.

Bagaman partial na lamang ang umiiral na ban sa Hong Kong at Macau; habang nabawi na ang travel ban sa Taiwan ay may mga OFW pa rin na naapektuhan nang ipatupad ang ban.

Sa ngayon, tanging ang mga OFW na papuntang China at stranded sa Pilipinas ang entitled na tumanggap ng naturang tulong mula sa OWWA.

Read more...